^

Bansa

Tamang training, gabay sa barangay iginiit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Francis “Tol” Tolentino kay Local Government Academy (LGA) Assistant Director Esmeralda Purnell na dapat mabigyan ng tamang materyales at pagsasanay ang mga opisyal ng barangay upang maiwasang makalimutan ang kanilang mandato.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo sa DZRH, sinabi ni Tolentino na ang mga materyales para sa mga opisyal ng barangay ay dapat nang i-update at isama ang mga bagong assignment o nakalimutang assignments ng mga ito.

Ginawa ng senador ang pahayag nang matukoy ang ilang problema sa tungkulin ng barangay sa isinasagawang Senate justice panel inquiry sa pangunguna ni Tolentino sa kaso ng kasambahay na si Elvie Vergara.

“Kung nabalitaan ninyo ‘yung hearing ko nitong Elvie Vergara case, it stemmed from the fact na ‘yong kapitan, di ginagawa ‘yong trabaho niya na dapat may database ng mga kasambahay sa kanilang barangay hall,” ayon kay Sen. Tol.

Idiin ng mambabatas kay Purrell na dapat ay may mga checklist ng mga batas, doon sa mga OFWs, sa mga kasambahay, sa speed limits, para alam nila (barangay officials) kung ano ang mga importante.

Nangako si Purrell na isasama ang mga insight na ito ni Tolentino.

Samantala, binanggit ni Tolentino na ang darating na Barangay Elections ay magbibigay lamang ng dalawang taong termino at ang LGA ay dapat gumawa ng mga module at pagsasanay nang naaayon sa mga re-electionist, mga babalik at unang beses na kandidato.

LGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with