^

Bansa

Barko ng Pinas muling pinalibutan ng Chinese vessels sa West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barko ng Pinas muling pinalibutan ng Chinese vessels sa West Philippine Sea
Ito’y matapos paligiran at tangkaing harangin ang barko ng Philippine Navy na nagsasagawa ng resupply mission.
Armed Forces of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y mapanganib at agresibong kilos ng Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) nitong Biyernes.

Ito’y matapos paligiran at tangkaing harangin ang barko ng Philippine Navy na nagsasagawa ng resupply mission.

Ayon kay AFP Spokeperson Col. Medel Aguilar, patungo ang BRP Benguet sa Rizal Reef Station para sa regular rotation and resupply (RoRe) mission nang tangkain umano ng People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) ng China na lumapit.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs chief Lieutenant Colonel Enrico Ileto na sa naturang insidente, nag-isyu ang BRP Benguet ng sunud-sunod na radio challenges sa PLAN 621, na umaaligid sa Philippine Navy vessel sa 80-yard distance.

Dito ay binanggit na ng Phi Navy ang paglabag ng Chinese vessel sa Collision Regulations (COLREG) sa radio challenges nito habang sinagot ito ng PLAN 621 sa paglalahad ng 10-dash line narrative.

Tumutukoy ang 10-dash line sa bagong mapa na inilabas ng China na nagpapakita ng pag-angkin nito sa halos kabuuan ng South China Sea, Taiwan, at bahagi ng India.

Paliwanag naman ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, hindi lamang simpleng salpukan ang posibleng mangyari sa “dangerous and offensive maneuvers” ng China kundi paglalagay sa panganib sa buhay ng mga maritime personnel ng Philippine Navy at China vessels.

Muling ipinaalala ng AFP na ang iligal na presensya at aktibidad ng China ay nakakasagabal sa mga lehitimong misyon ng Pilipinas.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with