Senador Miriam Defensor-Santiago Avenue ipinalit sa Agham, BIR Roads sa Quezon City

Senador Miriam P. Defensor-Santiago
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinalitan na ang pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City bilang Senador Miriam P. Defensor-Santiago ­Avenue.

Ito ay matapos na ganap na isabatas ang Republic Act No. 11963 o ang pagpapalit ng pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon.

Nag-lapse into law at payagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging batas ang panukala.

Nakasaad sa Article VI, Section 27 ng Konstitusyon na magiging batas ang isang panukala kapag hindi nilagdaan ng Pa­ngulo sa loob ng 30 araw mula nang matanggap ng Office of the President.

“The Department of Public Works and Highways shall issue the ne­cessary rules, orders and circulars to implement the provisions of this Act within 60 days from its effectivity,” nakasaad pa sa batas.

Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos ang publication sa Official Gazette o mga malalaking pahayagan na mayroong general circulation.

Matatandaan na pumanaw si Santiago noong Setyembre 2016 dahil sa sakit na cancer.

Show comments