Pinoys sa Jordan pinag-iingat

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Jordan ang mga Filipino dito na umiwas sa mga lugar na mayroong nagaganap na demonstrasyon.

Sa inilabas na abiso sa kanilang Facebook, pinapayuhan din ang mga Pinoy sa Jordan na magmonitor ng mga bagong developments sa mga mapapagkatiwalaang sources at sundin ang anumang kautusan ng mga otoridad doon.

Hinikayat din ang mga Pinoy na mag-ingat sa lahat ng oras partikular na sa mga lugar kung saan nagaganap ang protesta at iwasan din ang anumang non-essential road travel kapag mayroong nagaganap na demonstrasyon.

Ang Jordan ay matatagpuan malapit sa Israel at Palestinian West Bank.

Habang patuloy naman ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist group na Hamas.

Matatandaan na nagsagawa ng pinakamalaking pag-atake ang Hamas noong Oktubre 7 sa Israel kung saan tatlong Pinoy caregiver na ang nasawi.

Show comments