MANILA, Philippines — Bunsod ng madugong pag-atake sa Israel, inihayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na isusulong ng Anti-Terrorism Council ang pagdedeklara sa Hamas bilang isang teroristang grupo sa Pilipinas.
Ayon kay Año, hindi makatao at karahasan ang ginawa ng Hamas sa Israel kung saan maraming inosenteng tao ang nadamay.
Sa huling ulat, umabot na sa 1,200 ang nasawi kabilang ang tatlong Filipino. Nasa 3,000 naman ang sugatan.
“In solidarity with the people of Israel, we will push for the designation of Hamas as a terrorist organization under RA 11479 as a priority agenda of the Anti-Terrorism Council,” ani Año.
Kinondena nito ang pag-atake ng Hamas bilang “deadly and barbaric terrorist assault” sa Israel.
Umaasa si Año na matatapos na sa lalong madaling panahon ang gulo at mailigtas ang iba pang sibilyan kasabay ng panalangin para sa bansang Israel.
Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakikiisa ang Pilipinas sa Israel para kondenahin ang pag-atake ng Hamas.
Sa kabila nito, sinabi ni Palestine Ambassador to the Philippines Saleh Mohammad na ang mga lider ng mga bansa na nagpahayag ng suporta sa Israel ay nagbigay ng “wrong message” sa nasabing bansa na nagresulta sa “massacre” sa Gaza Strip