MANILA, Philippines — Umaabot sa 59,740 aplikante ang lumahok sa Government Online Career Fair (GCF) na ginanap nitong nakalipas na buwan.
Ang GOCF na inorganisa ng Civil Service Commission (CSC) ay sa pakikipagtulungan ng JobStreet.com na nilikha para magkaloob ng virtual platform sa mga kuwalipikadong jobseekers na naghahanap ng oportunidad para makapagtrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno.
“We wanted to invite more people to be part of the 1.9 million strong civil service as we celebrate the 123rd Philippine Civil Service Anniversary (PCSA). The GOCF provided a convenient and accessible avenue for government agencies and interested applicants to interact, share details regarding job openings and requirements, and potentially apply at the comfort of their homes,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Ayon kay CSC Examination, Recruitment and Placement Office Director IV Prisco Rivera Jr., nasa 83 government agencies ang nagpartisipa sa limang araw na event mula Setyembre 18-22 kung saan nag-aalok ito ng posisyon para sa mga bagong graduates, first -time jobseekers at iba pang mga aplikante na aspiranteng mapabilang sa serbisyong sibil.