2 Pinoy, patay sa Israel!

Residents check the damage following Israeli air strikes in Gaza City early on October 8, 2023. Israel's prime minister of October 8 warned of a "long and difficult" war, as fighting with Hamas left hundreds killed on both sides after a surprise attack on Israel by the Palestinian militant group.
AFP / Mahmud Hams

MANILA, Philippines — Dalawang Filipino ang nasawi sa pag-atake ng Palestinian terrorist group na Hamas sa Israel.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Isa umano sa nasawi ay 33-anyos na caregiver na babae na sa kasagsagan ng pagsalakay ng Hamas sa komunidad sa Kibut ay pwersahang binuksan ang pinto ng kanilang bahay at pagkatapos ay ­pinagraratrat kasama ang kanyang amo.

Ang biktima ay tubong Pangasinan at anim na taon na sa Israel at bagong kasal ito habang ang kanyang asawa ay nandito sa PIlipinas.

Ang isa pang Pinoy na nasawi ay kabilang sa kinidnap ng Hamas, 44-anyos, may asawa at taga Pampanga.

Sinabi naman ni DFA undersecretary Eduardo de Vega na nakiusap ang pamilya ng mga biktima na ­igalang ang kanilang privacy kaya hindi nila maibabahagi ang pangalan ng mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Vice Consul Patricia Narajos na may isa pa umanong nasawi sa gulo sa Israel at isinailalim na ito sa DNA test para matukoy kung Filipino.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Israel para maiuwi ang dalawang bangkay sa Pilipinas.

Nagpahayag na rin ng kalungkutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkamatay ng dalawang Filipino at pagkondena sa nasabing pag-atake.

“My heart is heavy upon hearing confirmation of the deaths of two Filipinos in Israel. The Philippines condemns these killings and stands firmly against the ongoing terror and violence,” sabi ng Pangulo.

Ayon kay Marcos, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga Pinoy na apektado ng gulo sa Israel.

Show comments