^

Bansa

Exit plan ng mga Pinoy sa Israel, pinag-aaralan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Exit plan ng mga Pinoy sa Israel, pinag-aaralan
Israeli emergency responders cordon off the site of a rocket attack in the southern Israeli city of Ashdod on October 9, 2023.
AFP / Ahmad Gharabli

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Jordan sa kanilang counterparts sa Israel at Egypt para matukoy kung saan maaaring lumabas ang mga Filipino na gustong umalis sa Gaza.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos na sa pinakahuling bilang, 15 Pinoy mula sa Gaza ang nais ng repatriation dahil nanganganib na ang kanilang buhay sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng pwersa ng Israel at militant group na Hamas.

Patuloy rin umano ang ugnayan ng tatlong embahada para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino palabas ng Gaza.

Ang repatriation plan para sa mga Filipino ay sa pamamagitan ng exit point sa tabi ng Israel, habang ang alternatibo ay sa Egypyt, subalit kailangan umano ng clearance mula sa mga otoridad ng Israel at Egypt para makadaan sa naturang mga bansa.

Ang pagtigil umano ng bakbakan ang kailangan para magarantiyahan ang ligtas na pagdaan ng mga sibilyan lalo na ang mga Filipino at iba pang lahi.

Iginiit pa ng ambassador na hindi sila basta maaaring umalis ng board habang patuloy ang bakbakan kaya naghihintay lang sila ng tamang oras para rito.

ISRAEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with