MANILA, Philippines — Kinundena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkakadamay ng dalawang Filipino sa pagpapatuloy ng karahasan at tensyon sa pagitan ng gobyerno Israel at mga militanteng Palestino.
Ito ang ibinahagi sa social media ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa social media ngayong Miyerkules nang umaga.
"The Philippines condemns the killing of two (2) Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel," ani Manalo.
"The Philippines is ready to work with other countries towards a long-lasting resolution to the conflict, in accordance with pertinent UN Security Council Resolutions and the general principles of international law."
1/3 The Philippines condemns the killing of two (2) Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel.
— Enrique A. Manalo ???????? (@SecManalo) October 10, 2023
Wala pa namang detayle sa ngayon sa eksaktong pagkikilanlan ng dalawang Pilipino sa ngayon.
Martes lang nang ibalita ni Philippine Ambassador to Israel Pedro "Junio" Laylo Jr. na 23 sa unang naibalitang 29 na nawawalang Pinoy sa Israel ang nasaklolohan na habang lima ang nananatiling nawawala.
Kaugnay ito ng tinaguriang "Operation al-Aqsa Storm" ng ilang Palestino, na produkto diumano ng pag-atakeng sinimulan ng Jewish settlers at bakbakan sa Jenin at Al-Aqsa mosque. Bukod pa ito sa deka-dekadang Israeli occupation.
Umarangkada ang Operation al-Aqsa Storm sa rocket attacks laban sa Israel at pagpasok ng mga armadong Palestino mula sa Gaza-Israel border.
Hindi lang Hamas ang nakikilahok at sumusuporta sa pagkilos ng ito laban sa Israel ngunit pati na ang Democratic Front for the Liberation of Palestine, Popular Front for the Liberation of Palestine, Lion's Den, Hezbollah at Palestinian Islamic Jihad.
"The Philippine government will continue to provide all possible assistance to distressed Filipinos nationals in Israel and Palestine," sabi pa ni Manalo.
Una nang nag-anunsyo ng pormal na digmaan ang gobyerno ng Israel kaugnay ng nangyayayaring opensiba, dahilan para gumanti sina Israel's Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Gaza.
Matatandaang naglabas ng joint statement ang Estados Unidos, France, Germany, Italy at United Kingdom upang suportahan ang Israel sa gitna ng kaguluhan.
Parehong kine-claim ng Israel at Palestine bilang kabisera ang Jerusalem sa ngayon.
Matagal nang naninindigan ang mga Palestino laban sa demolisyon ng kanilang mga bahay, pag-evacuate, atbp. sa loob ng Occupied Palestinian Territory.
Patuloy ang pagliit ng Palestine simula nang mabuo ang estad ng Israel. Ilan sa natitira rito ang West Bank at Gaza Strip, bagay na sinasabing nasa Israeli military occupation simula 1967.
Iligal ang naturang panghihimasok ng Israel sa Palestine ayon sa United Nations, bagay na paglabag diumano sa right to self-determination ng mga Palestino.