2 bayan sa Oriental Mindoro isinailalim sa state of calamity dahil sa ASF outbreak

Customers shop for pork meat in Marikina Public Market on March 14, 2023.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Oriental Mindoro ang bayan ng Roxas at Mansalay bunsod ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ang pagdedeklara ng state of calamity ay bunsod sa kahilingan ni Gov. Humerlito Dolor upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyon.

Nabatid na agad na naglabas ng Executive Order No. 66 si Dolor na nagbabawal sa paglalabas ng karneng baboy upang hindi na kumalat pa ang ASF sa ibang bahagi ng bansa.

Nagpadala na rin ng 360 test kits ang Department of Agriculture-Mimaropa para sa pagsasailalim sa mga alagang baboy sa limang barangay sa Roxas  at isa sa Mansalay.

“Isinagawa natin ang mga hakbang na ito upang mapabilis ang mga ­aksyon upang hindi na kumalat ang ASF sa ibang bahagi ng lalawigan,” ani Dolor.

Show comments