^

Bansa

Kamara ‘di namimili nang bibigyan ng CIF

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Second District Rep. Stella Quimbo na hindi sila namimili ng bibigyan ng confidential at intelligence funds (CIF) para sa susunod na taon.

Ayon kay Quimbo, nagra-rationalize sila o itinatama ang pagkakaloob ng CIF sa mga ahensya dahil nakabase lamang sa National Expenditure Program ang alokasyon.

Hindi aniya nila tinitingnan ang ahensya kundi ipinatutupad ang general principles.

Kabilang sa pinagpapasyahan ng small committee ay ang pagsuri sa civilian agencies na nangangailangan ng confidential funds upang magampanan ang mandato.

Bukod dito, ipinaliwanag ng kongresista na ­tinatapyasan o tinatanggalan nila ang mga ahensya na hindi kailangan ng CIF at saka inililipat sa may mahalagang papel sa pagprotekta sa West Philippine Sea.

Aniya, kailangan lamang na nasa tamang lugar ang paglalagay ng pondo at hindi nasasayang.

Tatapusin ng small committee ang pagresolba sa individual amendments ukol sa 2024 proposed national budget sa Oktubre 10.

vuukle comment

COMMITTEE

FUNDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with