MANILA, Philippines — Inilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi totoo ang kumakalat na balita online na may ospital na naka-lockdown dahil diumano sa isang kaso COVID-19.
Ito ang ibinahagi ng kagawaran sa mga reporter at social media nitong Huwebes ng hapon.
"The Department of Health (DOH) advises the public against a circulating message claiming that a hospital is currently on lockdown because of a patient with COVID-19," sabi ng ahensya sa isang pahayag na inilabas kahapon, October 5.
“No DOH hospital is currently implementing a lockdown and all DOH hospitals remain fully operational."
???????? ???????????? ???????????????????? ???????????????????????????????????????????? ???????????????????????????? ???????????????????????????????? ???????????? ???????????????????????????????? ???????? ???? ???????????? ???????????????????????????????? pic.twitter.com/EUoSjdiM0i
— Department of Health Philippines (@DOHgovph) October 5, 2023
Inabisuhan din ng DOH ang publiko na huwag nang ikalat pa ang mga mensaheng ito at maging alisto sa mga impormasyong ikinakalat sa social media.
Nilalaman ng ikinakalat na mensahe ang sumusunod:
Baka may mga kamag anak or kakilala kayo na pupunta ng [pangalan ng ospital]. Pakisabihan nio nalang na wag ppnta dahil naka lockdown ang hospital dahil may nakapasok na may corona virus. Galing [pangalan ng lugar] daw yung patient dinala sa [pangalan ng lugar]. Pa send nalang sa mga friendlist niyo.at ingat tau lahat.
Kasalukuyang nasa 3,055 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa bansa ayon sa case tracker ng DOH nitong Biyernes.
Ayon din sa tracker, umabot na sa 4,115,714 ang total cases ng bansa, kung saan naka-recover ang 4,045,957 dito.
“The DOH calls on the public to be vigilant in sharing information and only source health news and information from official DOH platforms," panapos ng ahensya. — intern Matthew Gabriel