^

Bansa

Walang trabaho sa Pilipinas naitala sa 2.21-M nitong Agosto

James Relativo - Philstar.com
Walang trabaho sa Pilipinas naitala sa 2.21-M nitong Agosto
Factory workers make footwear products at Barangay Concepcion in Marikina on September 27, 2023.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dumulas pababa patungong 4.4% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Agosto, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes.

Ito ang ibinahagi ng gobyerno ngayong araw, bagay na mas maliit kaysa sa 4.8% na unemployment rate noong Hulyo (katumbas ng 2.27 milyon).

"The country’s unemployment rate dropped to 4.4% in August 2023 from 5.3% in the same month last year," wika ng PSA kanina.

"In the previous month, the unemployment rate was posted at 4.8%. In terms of magnitude, there were 2.21 million unemployed Filipinos aged 15 years and over in August 2023."

Narito ang mga mahahalagang datos na napiga ng PSA August 2023 Labor Force Survey:

  • unemployment rate: 4.4%
  • walang trabaho: 2.21 milyon
  • employment rate: 95.6
  • may trabaho:  48.07 milyon
  • underemployment rate: 11.7%
  • underemployed: 5.63 milyon
  • labor force participation rate: 64.77%

Kapansin-pansing tumaas ang bilang ng mga may trabaho mula sa dating 47.87 milyon nitong Agosto, panahon kung kailan 95.2% lang ang employment rate.

Lumalabas ding bumaba ang mga underemployment rate, bagay na nasa 14.7% bago inilabas ang mga panibagong datos.

"Underemployed persons are those who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have an additional job, or to have a new job with longer hours of work," sabi pa ng PSA.

"Visible underemployment rate or the proportion of underemployed persons working less than 40 hours in a week was posted at 7.5 percent in August 2023. On the other hand, invisible underemployment rate or the proportion of underemployed persons working at least 40 hours a week was placed at 4.2 percent."

Bagama't mas mataas ang employment rate ngayon ng kalalakihan (96%) kaysa sa mga kababaihan (95.1%), mas mataas naman ang bilang ng underemployed na lalaki (13.1%) kaysa babae (9.7%).

Ang mga datos na ito ay lumabas isang araw matapos isapubliko ng PSA ang paglobo ng inflation rate sa 6.1% nitong Setyembre dulot ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin, partikular na ang pagkain.

Kahapon lang nang ibalita ng Pulse Asia na 95% ng mga Pinoy ang nagsasabing mas malaki ang ginastos nila sa pagbili ng pagkain sa nakalipas na tatlong buwan.

EMPLOYMENT RATE

JOBLESS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with