Walang taas-presyo sa karneng baboy ngayong Kapaskuhan

Ayon kay Chairman Rosendo So, Chairman ng  Farmers’ group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), walang dahilan para maitaas ang presyo ng karneng baboy kahit na mataas ang demand nito tuwing Pasko dahil mababa ang farm gate price ng baboy.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtaas ng halaga ng karneng baboy kahit mataas ang demands nito sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Chairman Rosendo So, Chairman ng  Farmers’ group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), walang dahilan para maitaas ang presyo ng karneng baboy kahit na mataas ang demand nito tuwing Pasko dahil mababa ang farm gate price ng baboy.

Anya, ang farm gate price ng baboy sa Luzon  ay nasa pagitan lamang ng P160 at  P170 kada kilo hindi katulad ng nagdaang taon na umabot sa P200 per kilo ang farm gate price nito.

Sinabi pa ni So na ang retail price ng baboy sa palengke ay dapat na P290 hanggang P320 kada kilo lamang.

Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa mga palengke sa Metro Manila, ang  retail price ng pork ham ay pumapalo sa P260 at P330 kada  kilo at ang pork liempo ay nasa P290 at P400 kada kilo.

Sinabi ni So na ang presyo ng imported pork ay bumaba rin sa world market.

Anya, walang kakulangan sa suplay ng pork products kaya’t asahan na mapupunan ang mataas na demand nito sa panahon ng Kapaskuhan.

Show comments