^

Bansa

Lady chef, nireyp ng kumakandidatong barangay chairman

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

3 kasama tiklo…

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Pinagtulungang halayin ng apat na lalaki na ang isa ay tumatakbong barangay chairman ang isang lady chef sa isang garahe ng truck sa Barangay Tungkong Mangga ng na­sa­­bing siyudad kamakalawa ng madaling araw.

Tatlo sa apat na suspek na naaresto ay kinilalang sina Celso Ceniza, 29; Richard Pa­reño, 39; at Almer Ancheta, 46.

Pinaghahanap pa ang nakatakas na si Mark Anthony Baluyot, 40, alyas Macmac, isang negosyante at kandidatong Kapitan sa naturang barangay.

Ayon sa biktima na iti­nago sa pangalang Kitty, 36, pauwi siya ng bahay nang harangin ng mga nagkakasiyahang suspek sa isang garahe ng truck.

Aniya, katabi lamang ng kanilang bahay ang garahe ng suspek na si Baluyot.

Pinagbigyan aniya ang mga ito na naghaharutan sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig at ilang minuto ang lumipas, pinatagay siya ng 2 baso ng alak, at makalipas ang ilang sandali ay nakaram­dam siya ng pagkahilo.

Dahil sa pangyayari, agad siyang dinala sa barracks ng mga driver at helper kung saan dito siya pinagpasa-pasahan, na ang unang gumahasa umano sa kanya ay si Baluyot.

Dahil dito, sumugod sa garahe ang nanay ng biktima, at sinita ang mga lalaking nakahubad at nakita ang anak na nakahubad sa naturang barracks.

Nagsampa ng reklamo ang mag-ina sa pulisya na iki­na­aresto ng tatlong suspek habang nakatakas si Baluyot.

Nag-text umano ang misis ni Baluyot sa biktima na umaareglo sa halagang P1 milyon na hindi naman pinansin ng pamilya ng biktima na desidido na ituloy ang kasong rape. =

CELSO

RICHARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with