^

Bansa

95% ng Pinoy 'mas malaki' ginastos sa pagkain sa huling 3 buwan — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
95% ng Pinoy 'mas malaki' ginastos sa pagkain sa huling 3 buwan — Pulse Asia
A woman gives change to a customer at a market in Manila on October 5, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umaaray sa mas mataas na presyo ng pagkain ang "halos buong populasyon" ng Pilipinas matapos mapuna ang bigas bilang may pinakamalaking inilobo sa nakaraang kwarter, ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Ito ang ibinahagi ng Pulse Asia na datos ngayong Miyerkules matapos magkasa ng survey fieldwork mula ika-10 hanggang ika-14 ng Setyembre, 2023.

"Nearly all Filipino adults (95%) spent more on food in the past quarter – higher than the September 2022 figure (89%)," sambit ng survey firm sa isang pahayag.

"Food (95%) tops the list of household items Filipino adults spent more on in the last three (3) months, with 83% citing rice and 61% identifying non-rice food items in particular."

Isinapubliko ng Pulse Asia ang resulta ng pag-aaral kasabay ng 6.1% inflation rate na ibinalita ng Philippine Statistics Authority (PSA). Swak sa napuna ng Pulse Asia, pagkain ang numero unong dahilan sa mas mabilis na pagsirit ng presyo ng bilihin, wika ng gobyerno.

Bukod sa pagkain, sinasabing mas malaki ang ginastos ng mga Pinoy sa sumusunod:

  • kuryente: 62%
  • gasolina/diesel: 22%
  • gamot atbp. pangangailangang pangkalusugan: 17%
  • tubig: 16%
  • LPG: 15%
  • transportasyon: 13%
  • cellphone load: 4%
  • gastusing pampasaya: 3%
  • iba pa: 3%

Pagkain din ang napansing pinagkagastusan nang mas malaki sa lahat ng antas ng pamumuhay at lugar sa bansa:

  • Metro Manila: 89%
  • Balance Luzon: 94%
  • Visayas: 98%
  • Mindanao: 96%

"At the national level, there is an increase in the percentage of adults who spent more on food (+6 percentage points), specifically rice (+16 percentage points), while the reverse hold true in connection with spending on electricity (-6 percentage points)," dagdag pa ng Pulse Asia.

"In the different areas and classes, figures go up as far as spending on rice is concerned (+13 to +24 and +16 to +20 percentage points, respectively), apart from Class E. The only other marked movement between September 2022 and September 2023 is the decline in the percentage of Mindanawons who spent more on electricity (-14 percentage points)."

Lagpas kalahati binawasan kinakain

Matapos gumastos nang mas malaki sa pagkain noong nakaraang kwarto, 53% din ng mga Pilipino ang nagsabing "mas kaonti" ang kinonsumo nilang pagkain.

Kung titilad-tilarin, ganito ang itsura ng pag-aawas:

  • pagkonsumo ng non-rice food items: 41%
  • pagkonsumo ng kanin: 21%

Nangyayari ang lahat ng ito kahit na ipinangako noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20/kilo, bagay na hindi pa matupad-tupad.

Ang naturang pag-aaral ay ibinase sa panayam sa 1,200 kataong edad 18-anyos pataas at sinasabing may ± 2.8% error margin sa 95% confidence level. Hindi ito kinomisyon ninuman at ginawa raw bilang serbisyo publiko ng Pulse Asia.

'Kakulangan sa sahod'

Paliwanag ng IBON Foundation, ipinakikita raw ng mas mataas na inflation rate na bigo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mahihirap na umagapay sa pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon.

Aniya, lalong pinahihirap ng mababang pasahod ang pagsalag sa papataas na mga gastusin, ito kahit na nag-apruba kamakailan ng wage hikes sa ilang rehiyon.

"For instance, the National Capital Region (NCR) P610 nominal minimum wage falls short of the P1,186 family living wage (FLW) as of September 2023 for a family of five with a wage gap of 49% or P576," sabi ng IBON.

"The Region IV-A wage increase by P50 to P520 also falls short of the region’s P1,108 FLW with a big wage gap of 53% or P588."

Sa pagtataya ng economic think tank, naghahanda na sa mas matataas na gastusin ang mahihirap na Pilipino lalo na't tinanggal na sa ngayon ang price ceilings sa presyo ng bigas.

Napapanahon na raw na magbigay ng kinakailangang ayuda ang gobyerno sa publiko bilang tugon sa porma ng sapat na dagdag-sahod at suporta sa maliliit na negosyo't producers.

Bukod pa rito, maaari rin daw gumawa ng inisyal na long-term steps ang gobyerno gaya ng pagpapalaki sa suporta sa lokal na agrikultura at ayuda para sa lahat sa pamamagitan ng 2024 national budget.

FOOD

IBON FOUNDATION

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with