MANILA, Philippines — Iniutos na ng isang korte sa Navotas ang pag-aresto sa anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jerhode “Jemboy” Baltazar, isang menor de edad na naging biktima ng mistaken identity.
Inilabas nitong Martes ng Navotas City Regional Trial Court Branch 286 ang isang warrant of arrest para sa mga sangkot na pulis matapos makakita ng sapat na ebidensya mula sa imbestigasyon sa insidente.
Related Stories
Ang anim na pulis na nakapangalan sa warrant of arrest ay sina:
- Police Staff Sergeant Gerry Maliban
- Police Staff Sergeant Antonio Bugayong Jr.
- Police Executive Master Sergeant Roberto Balais Jr.
- Police Staff Sergeant Nikko Pines Esquilon
- Police Corporal Edward Jade Blanco
- Patrolman Benedict Mangada
“The court finds probable cause to issue a warrant of arrest against all the above-named accused to place them under custody of the law in order not to frustrate the ends of justice,” sabi sa warrant na ibinalita ng media.
Maaalalang nabaril si Baltazar sa isang insidente ng mistaken identity matapos mapagkalamang suspect sa krimen noong ika-2 ng Agosto.
Dahil sa insidente, nasibak sa puwesto ang hepe ng Navotas City Police at ang walong pulis na kasama sa police operation.
Binanggit ding "murder" ang isasampang kaso base sa tama ng bala ng baril sa katawan ni Baltazar at bilang ng mga pulis na responsable sa insidente. — intern Matthew Gabriel