3 Pinoy patay matapos salpukin ng dayuhan malapit sa Scarborough Shoal

Handout from the Philippine Coast Guard shows survivors of the maritime incident transporting the deceased victims to Infanta town in Pangasinan.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang tatlong Pilipinong mangingisda matapos banggain ng hindi pa nakikilalang banyagang commercial vessel — bagay na tumatawid noon sa vicinity waters ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

Ibinahagi ng isa sa crew ng FFB DEARYN na nangyari ang insidente bandang 4:20 a.m. noong Lunes habang nakaangkla para mangisda 85 nautical miles hilagangkanluran ng Bajo de Masinloc.

"The mother boat submerged, resulting in the death of its three crew members, including its boat captain," pagbabalita ng Philippine Coast Guard ngayong Miyerkules.

"The eleven crew members who survived the maritime incident utilized their eight service boats to leave the vicinity waters and transport the deceased victims to Barangay Cato, Infanta, Pangasinan."

Bandang 10 a.m. na noong Martes nang makarating ang mga nabanggit at agad namang ibinahagi ang insidente sa pinakamalapit na Coast Guard sub-station para sa humingi ng tulong.

Pakikiramay ng Malacañang

Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa sinapit ng mga biktima.

"The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel," wika ni Bongbong sa ulat ng The STAR.

"Currently, the Philippine Coast Guard is backtracking and checking all monitored vessels in the area as part of its ongoing investigation."

"We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident."

Nanawagan naman ang presidente sa publiko na iwasan muna ang magpakalat ng haka-haka sa ngayon at hayaan ang Coast Guard magkasa ng kanilang probe sa nangyari.

Tiniyak naman ng pangulong mag-aabot ng suporta at ayuda ang gobyerno sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

Humihingi naman ng hustisiya ang isang grupo ng progresibong mga mangingisda patungkol sa nangyaring insidente, bagay na ikinamatay ng mga kasamahan nila sa hanap buhay.

“We demand swift investigation on the circumstances of a foreign commercial vessel’s ramming of a Filipino fishing vessel that resulted to death of three fisherfolks, in Panatag Shoal (Scarborough), last Monday," ani PAMALAKAYA national chairperson Ferdinando Hicap kanina.

"Accountability and assistance to the bereaved families must follow."

Ang Bajo de Masinloc ay nasa loob ng West Philippine Sea, isang eryang parte ng internationally recognized na exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kabila nito, pilit itong inaangkin ng iba pang mga kalapit na bansa lalong-lalo na ng Tsina sa kabila ng pagpanig ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 sa Maynila. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico at The STAR/Alexis Romero

Show comments