^

Bansa

PNP tiniyak pagsilbi ng arrest warrant kay Bantag, Teves

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. na hindi natitinag ang PNP sa paghahanap ng dalawang ‘top fugitives’ na sina dating Bureau of Corrections chief ­Gerald Bantag at ex-Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ang paniniyak ay ginawa ni Acorda sa pulong balitaan sa Camp Crame sa pagsasabing hindi sila matutulog hangga’t hindi naisisilbi ang warrant of arrest laban kina Bantag at Teves.

Gayuman, tumanggi si Acorda na magbigay ng de­talye kaugnay ng kanilang operations. Matibay na hawak nila ang arrest warrant para sa pag-aresto sa mga to.

May inilabas  nang arrest warrant ang korte laban kay Bantag at sa kanyang deputy na si Ricardo Zulueta para sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong Oktubre ng nakaraang taon.

Habang may arrest warrants na rin laban kay Teves at tatlong iba pa para sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 9 na iba pa noong Marso.

Sinabi pa ni Acorda na ginagawa ng PNP ang lahat ng paraan at sistema para sa agarang paghuli sa mga wanted.

Dagdag pa ni Acorda, patuloy ang pakikipag- ugnayan ng PNP sa International Criminal Police Organization o Interpol para maaresto si Teves na umano’y nagtatago sa ibang bansa.

PNP

WARRANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with