Trust, approval ratings nina Pangulong Marcos, Vice President Sara bumagsak

Vice President Sara Duterte accompanies President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. as he departs the country with first lady Liza Araneta-Marcos for his state visit to China on January 3, 2023.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Kapwa bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte batay sa latest survey ng Pulse Asia nitong Set­yembre.

Nakakuha si Pangulong Marcos ng trust ra­ting na 71% habang 75% naman si VP Sara nitong September 2023.

Bumaba ng 14 puntos ang bilang ng nagtitiwala kay PBBM mula sa 85% trust rating na nakuha niya noong Hunyo 2023.

Nasa 12 puntos naman ang nabawas sa trust rating ni VP Sara na mula sa 87%.

Samantala, bumaba rin ng double-digit ang approval ratings ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.

Mula sa approval rating ng Pangulo na 80% noong Hunyo, naging 65% ito nitong Setyembre.

Gayundin sa Pangalawang Pangulo na mula sa 84% noong Hunyo, bumaba ito sa 73% nitong Setyembre.

Nasa kalahati naman ng respondents ng survey o may 49% ang nag-apruba sa trabaho ng Korte Suprema o bahagyang pagbaba sa 53% noong June.

Nakakuha naman ang House ng approval rating na 54% mula sa dating 58% habang ang Senado ay nakakuha ng performance rating na 59% nitong Setyembre na mas mababa sa 62% noong Hunyo

Isinagawa ang survey mula Setyembre 10-14, 2023 sa 1,200 respondents nationwide.

Show comments