Trust, approval ratings nina Pangulong Marcos, Vice President Sara bumagsak
MANILA, Philippines — Kapwa bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte batay sa latest survey ng Pulse Asia nitong Setyembre.
Nakakuha si Pangulong Marcos ng trust rating na 71% habang 75% naman si VP Sara nitong September 2023.
Bumaba ng 14 puntos ang bilang ng nagtitiwala kay PBBM mula sa 85% trust rating na nakuha niya noong Hunyo 2023.
Nasa 12 puntos naman ang nabawas sa trust rating ni VP Sara na mula sa 87%.
Samantala, bumaba rin ng double-digit ang approval ratings ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.
Mula sa approval rating ng Pangulo na 80% noong Hunyo, naging 65% ito nitong Setyembre.
Gayundin sa Pangalawang Pangulo na mula sa 84% noong Hunyo, bumaba ito sa 73% nitong Setyembre.
Nasa kalahati naman ng respondents ng survey o may 49% ang nag-apruba sa trabaho ng Korte Suprema o bahagyang pagbaba sa 53% noong June.
Nakakuha naman ang House ng approval rating na 54% mula sa dating 58% habang ang Senado ay nakakuha ng performance rating na 59% nitong Setyembre na mas mababa sa 62% noong Hunyo
Isinagawa ang survey mula Setyembre 10-14, 2023 sa 1,200 respondents nationwide.
- Latest