^

Bansa

‘Rice & cash,’ ayuda sa mahihirap ­babaha sa mga darating na araw - Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Rice & cash,� ayuda sa mahihirap ­babaha sa mga darating na araw - Romualdez
Marikina district 2 Representative Teacher Stella Quimbo leadS the distribution of cash assistance to ore than 400 micro and small rice retailerS on Wednesday to support them in line with the imposition of Pres. Bongbong Marcos order on price ceiling on rice through executive order No. 39. This is the first batch of marikina rice retailers to receive such benefits on September 13, 2023.
STAR/Walter Bollozos.

MANILA, Philippines — Para agad matugunan ang problema ng mga mahihirap sa buong bansa dahil sa mahal na presyo ng bigas at iba pang mga bilihin, mamimigay ng cash ayuda ang Kongreso at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga darating na araw.

Magsisimula sa Metro Manila ang tinaguriang “Malaya Rice Project” sa susunod na linggo na aabot sa higit 3 milyong indibidwal sa buong bansa ang inaasahang makakatanggap ng ayuda mula sa sektor ng mahihirap, senior citizen, person with disability, single parent, at indigenous person.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “this is an initiative of the House and the DSWD para agad ma­tulungan ang mga naghihikahos na mga kababayan natin habang inaayos ng pamahalaan ang long term solution sa kagutuman at mahal na bilihin”.

“Tulad ng mga sinabi ko noon, batid ng pamahalaan ang paghihirap ng mga kababayan natin kaya ginagawan agad natin ng paraan  para maibsan kahit papaano ang kanilang paghihirap”, ayon pa kay Romualdez”.

Sa naturang programa, P1,500 cash ang matatanggap ng bawat benepisyaryo.

P570 mula sa natu­rang cash assistance ay dapat ibili ng 15 kilos ng bigas na nagkakahalaga lang ng P38 per kilo. Ang murang bigas ay ititinda sa labas ng mga payout centers sa araw na iyon.

Ang natitirang P930 ay pambili o panggastos nila sa iba pang pangangailangan.

Ang mga benepisyaryo ay manggagaling sa iba’t-ibang distrito ng Pilipinas mula sa listahan na isusumite ng mga kongresista.

“Hindi titigil ang pamahalaan na tulu­ngan ang mga mahihirap sa mga panahon na ito dahil ­ngayon nila mas kailangan ng tulong”, pagsisiguro ni Romualdez.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->