^

Bansa

'Dinukot' na environmental activists humiling ng protection order vs militar sa SC

James Relativo - Philstar.com
'Dinukot' na environmental activists humiling ng protection order vs militar sa SC
Environmental activists Jhed Tamano (L) and Jonila Castro (C) speak with media representatives at the Commission of Human Rights, in Quezon on September 19, 2023. Two detained environmental activists accused the Philippine military of kidnapping them as they appeared at a government news conference on September 19, fuelling demands by rights groups for the pair to be released.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon ang environmental activists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano ng "Writ of Amparo" at "Habeas Data" sa Korte Suprema habang humihiling ng protection order laban sa ilang ahente ng gobyerno.

Ika-19 lang ng Setyembre nang iharap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang dalawa sa isang press con matapos ipangalandakan ang kanilang diumano'y pagsuko sa gobyerno at pagtalikod sa Kaliwa.

Lingid sa kaalaman ng mga militar at NTF-ELCAC, ikwinento nina Tamano at Castro kung paano sila sapilitang ipasok sa puting van ng mga sundalo habang naglalakad sa kalsada ng Orion, Bataan nitong ika-2 ng Setyembre.

"WHEREFORE it is respectfully prayed that this Honorable Court GRANT this Petition by IMMEDIATELY ISSUING a Writ of Amparo and Writ of Habeas Data in favor of Petitioners Jonila Castro and Jhed Tamano IMMEDIATELY ISSDUING a Temporary Protection Order prohibiting all Respondents from entering within a radius of one (1) kilumeter from the persons, residences, schoool, and work addresses of Petitioners and their immediate family members," sabi sa petisyon nitong Huwebes.

Kabilang sa mga inirereklamo ng dalawang aktibista, na kilala sa pagkakampanya laban sa kontrobersyal na Manila Bay reclamation, ang mga sumusunod:

  • 70th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Ronnel dela Cruz
  • mga miyembro ng 70th IB ng Philippine Army
  • Police Captain Carlito Buco
  • mga miyembro ng Philippine National Police, Bataan
  • National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya
  • NTF-ELCAC
  • lahat ng kumikilos batay sa utos ng mga nabanggit sa itaas

Tumutukoy ang "Writ of Amparo" sa proteksyong ibinibigay sa mga petitioner sa panahong may banta sa buhay, kalayaan at kaligtasan ng isang tao mula sa militar, pulis at estado. Sakop nito ang extralegal killings, sapilitang pagdukot atbp. banta.

Ang "Writ of Habeas Data" naman ay tumutukoy sa remedy na ibinibigay sa mga taong napagbabantaan ang right to privacy ng kanilang buhay, kalayaan at seguridad dahil sa iligal na pangongolekta ng impormasyon ng isang tauhan ng gobyerno.

Kung sakaling makapaglabas ng Writ of Amparo, maidedeklara ang mga respondents bilang responsable sa enforced disappearance at illegal detention nina Castro at Tamano.

Kakailanganin namang ibulgar ng mga inirereklamo ang anumang impormasyon o datos sa kanilang pangangalaga tungkol sa petitioners, kanilang mga pamilya, atbp. at sagutin kung paano nila ito nakuha.

Ang naturang petisyon ay inasikaso para kina Tamano at Castro ng Free Legal Assistance Group.

Una nang ipinunto ng grupong Karapatan, Kalikasan People’s Network for the Environment atbp. ang maraming "inconsistencies" sa mga sinasabi ng militar at gobyerno kung paano diumano "nagpasaklolo" sa gobyerno ang dalawa. Nanggaling ang dalawa sa mga grupong nire-red tag.

Kamakailan lang nang makalaya ang dalawang aktibista mula sa kostodiya ng pamahalaan matapos ibahagi ang iligal na pagdukot aniya sa kanila ng kasundaluhan.

Una nang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ang NTF-ELCAC sa ginawang aksyon nina Casto at Tamano at ipinahiwatig na "trinaydor" sila.

ACTIVISM

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ENFORCED DISAPPEARANCES

HUMAN RIGHTS

MANILA BAY

PHILIPPINE ARMY

RECLAMATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with