^

Bansa

Kaso vs pagbakod ng China sa Scarborough, ikinakasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kaso vs pagbakod ng China sa Scarborough, ikinakasa
The China Coast Guard installed around 300-meter floating barrier in the Southeast portion of the shoal to prevent Filipino fishing boats from entering the area.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong ang legal cluster ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pag-usapan ang isasagawang ‘case buildup’ para sa kasong ihahain kontra sa China sa paglalatag ng floating barriers sa Bajo de Masinloc.

“It’s a matter of choosing the complaint to be filed and where to file the complaint, that will be discussed properly,” ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kahapon.

Tahasan din niyang itinanggi ang akusasyon ng China na nangpo-provoke ang Pilipinas sa pagtanggal sa mga boya nila at iginiit na sadyang iginigiit lamang ng Pilipinas ang karapatan.

“We are not provoking anything. We are just, we are asserting our rights under the United Nations Convention on the Law of the Sea which is being respected by the whole world, hopefully by everybody, including China in the future,” dagdag ni Remulla.

Sa akusasyon ng Pilipinas, inilagay ng China ang 300-metro na boya para pigilan ang mangingisdang Pinoy na makapasok sa mas mababaw na bahagi ng shoal kung saan marami ang isda.

Bukod sa Permanent Court of Arbitration, sinabi ni Remulla na ikinokonsidera rin nila ang iba pang bodies na pagsasampahan ng reklamo kabilang ang International Court of Justice (ICJ).

“But I think that I am more inclined to file it with the PCA because they have the familiarity and institutional memory to handle the cases about the West Philippine Sea,” dagdag ng kalihim.

 

SCARBOROUGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with