‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos
MANILA, Philippines — Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa.
Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.
Gayundin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry stakeholders.
Nakasaad din sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ang paglikha ng trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).
Sila rin ang babalangkas ng isang master plan para sa employement generation at recovery.
Kaagad naman ipinag-utos ni Marcos na balangkasin ang implementing rules and regulations para agad na mapakinabangan ng mga manggagawa.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas ay mabubuksan sa mga Filipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho para sa lahat.
- Latest