^

Bansa

Magna Carta of Filipino Seafarers sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magna Carta of Filipino Seafarers sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Marcos
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Sinertipikahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent bill ang panukalang naglalayong lumikha ng Magna Carta para sa mga Pinoy seaman.

Sa isang pahinang liham ni Marcos kay Se­nate President Juan Miguel Zubiri, pinamamadali nito sa Kongreso ang pagpasa sa Magna Carta of Filipino Seafarers.

Ang panukala ay ginawang urgent ng Pa­ngulo matapos ang banta ng European Union na ipagbabawal ang pagkuha ng mga marinong Pinoy hangga’t hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan.

Ginagarantiyahan na­man ng panukalang batas na tutugunan ang sinasabing kahinaan sa pagsasanay at edukasyon ng mga Pilipinong marino.

Nauna nang hinikayat ng  EU ang gobyerno ng Pilipinas na sumunod sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers Convention (STCW) kasabay ng babala na hindi kikilalanin ang sertipikasyon na ibinibigay sa mga seafarers kung hindi aaksyunan ang usapin.

Noong 2021 nang iulat na ang Pilipinas ang top source ng seafarers sa buong mundo.

Ayon naman sa Maritime Industry Authority (MARINA), higit 400,000 Pinoy seafarers overseas ang idineploy mula 2016 hanggang 2021.

SEAFARERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with