MANILA, Philippines — Lumalabas na isa sa limang kabataan edad lima hanggang 24-anyos ang hindi enrolled o 'di kaya'y pumapasok sa eskwelahan, ayon sa pinakahuling taya ng Philippine Statistics Authority (PSA).
"Nationwide, about 18.6 percent of children aged 5 to 24 years were not attending school," wika ng ahensya sa isang pahayag nitong Lunes pagdating sa 2022 Annual Poverty Indicators Survey.
"Of those who were not attending school, the top reasons were the following: finished schooling or finished post-secondary/college (21.1%), employment (19.7%), lack of personal interest (12.6%), marriage (10.7%), and high cost of education/financial problem (9.9%)."
Mas marami ang mga lalaking hindi pumapasok kumpara sa mga babae dahil sa trabaho (25.9%) at kawalan ng interes (17.9%).
Samantala, mas marami naman sa mga babae ang hindi pumapasok kaysa mga lalaki dahil tapos nang mag-aral (28.9%) o dahil sa pagpapakasal (17%).
"Across regions, CALABARZON had the highest proportion of children not attending school due to employment at 28.3 percent of the total number of children 5 to 24 years old who were not attending school," patuloy ng PSA.
"BARMM had the highest proportions of children not attending school due to high cost of education/financial concern (23.2%) and family matters (16.2%). MIMAROPA Region had the highest proportion of not attending school due to illness/disability (7.2%). Marriage was highest in Cagayan Valley (18.7%)."
"In addition, Cordillera Administrative Region had the highest proportions of not attending school due to finished schooling (28.8%) and lack of personal interest (24.1%)."
Sa kabutihang palad, apat sa lima (81.4%) sa parehong age group ang enrolled sa mga paaralan.
Pinakamarami sa may school attenace ang sumusunod:
- MIMAROPA: 85.1%
- Eastern Visayas (84.8%)
- Bicol Region (84.4%)
Zamboanga Peninsula (76.7%), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (78.1%) at Central Luzon (79.5%) ang may pinakamababang proportion ng school attenance sa buong bansa.
Aabot sa 40.8% ng mga pumapasok ang kalalakihan habang 40.5% naman ang mga babae. Sa lahat ng kabataan, ang mga edad anim hanggang siyam na taong gulang ang may highest percentage ng pagpasok ng eskwelahan (26.8%)