^

Bansa

‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Chinese mafia� nasa likod ng rice smuggling � BOC
Photo shows the rice confiscated by the BOC during a raid on a warehouse in Las Piñas on September 14, 2023
Bureau of Customs

MANILA, Philippines — Tinututukan na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado.

“Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso.

“Either nasa side ng financing, nasa side ng distribution or nasa side ng, there are other, maraming levels kung nasaan sila present dito sa agricultural smuggling. ‘Yan po ang isa sa mga tinitignan ng Bureau of Customs,” dagdag ng opisyal.

Nagsagawa na ang BOC ng mga pagsalakay sa mga bodega mula Agosto at nakakumpiska ng nasa 236,571 smuggled na bigas sa apat na bodega sa Bulacan, 36,000 sako ng bigas sa Tondo, Maynila at 20,000 sako ng bigas sa Bacoor, Cavite.

Nagprisinta naman ang mga may-ari ng importasyon ng mga dokumento ngunit hindi tumutugma sa aktuwal na importasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Marlon Agaceta, chief of staff ng BOC, na mahirap at mahaba ang proseso para matukoy ang source ng smuggled na bigas. Karaniwan na nagtatago umano ang mga smuggler sa mga dummies at may mga ginagamit na mga alyas.

Magiging mahaba rin umano ang proseso ng pagsasampa ng kaso dahil sa mas mahigpit ngayon ang Department of Justice. Kailangan na resonable at may mataas na tsana ng conviction ang mga kasong inihahain para nila tanggapin, kaya mas magiging mabusisi umano ang mga abogado ng BOC sa pagkalap ng mga ebidensya para hindi masayang ang isasampang kaso.

Ngayong 2023, nakapagsampa ang BOC ng 53 kaso laban sa 416 importers at nakumpiska ang tinatayang P612 halaga ng mga produkto.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with