^

Bansa

Raid nauwi sa shootout: Wanted utas, 9 pulis-SAF sugatan­

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang drug dealer na wanted sa batas dahil sa pagchop-chop sa isang babaeng negosyante habang 9 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang sugatan matapos na mauwi sa engkuwentro ang ikinasang arrest warrant operation sa Panamao, Sulu nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat ni Col. Narciso Paragas, director ng Sulu Provincial Police, sa Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, patay ang target sa operasyon na si Muksidal Jumadil na may iba’t ibang kasong kriminal sa mga korte sa probinsya, kabilang ang “murder” at “illegal possession of firearms”.

Sinabi ni Paragas na isisilbi sana ang ilang warrant of arrest laban kay Jumadil sa kanyang lungga sa Brgy. Seit Higad, Panamao, ng magkasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Sulu, Sulu Provincial Police Office, Panamao Municipal Police at 7th Special Action Battalion-SAF, nang salubungin sila ng mga putok ng M14 assault rifle ni Jumadil sanhi ng shootout.

Tumimbuwang si Jumadil sa gitna ng barilan at idineklarang dead-on-the-spot habang 9 na pulis-SAF kabilang ang tatlong opisyal ang nasugatan sa engkuwentro, ayon sa  ulat ng 7th SAB.

Ang mga sugatang pulis ay kinilalang sina Capt. Nolie Agmaliw, Lt. Rico Apal, Lt. Earl Abdurajan III, Cpl. Reymir Subion, Cpl. Lindo Macua, Cpl.  Oliver Alviar, Cpl. Andres Dalang, Patrolman Edison Ray Paris at Patrolman Lionel Suaverdes na agad nilalapatan na ng lunas sa pagamutan sa Jolo, Sulu.

Sa rekord, maliban sa kasong illegal possession of firearms, wanted si Jumadil sa brutal na pagpatay, ilang buwan pa lang ang nakakalipas, sa ­negosyanteng si Nurdija Damman Aminuddin na kanyang pinagputol-putol ang katawan saka ikinalat ang mga bahagi nito sa iba’t ibang lugar sa Barangay Kanmindus, Luuk, Sulu, dahil lang diumano sa simpleng hindi pagkakaunawaan.

DEAD

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with