Resolusyon inihain sa Kamara para baliktarin SUC budget cuts sa 2024
MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon ang ilang progresbong kabataan at kinatawan ng Kamara para maibalik ang planong itapyas na pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa 2024.
Ito ang nilalaman ng House Resolution 1325 ng Kabataan party-list at Makabayan bloc, bagay na kanilang pakiusap sa Committee on Appropriations.
Sinasabi kasing 30 sa 113 SUCs sa susunod na taon ang nakatakdang bawasan ng kabuuang budget. Kabilang diyan ang:
- personal services (10 SUCs)
- operating budgets (39 SUCs)
- capital outlay (36 SUCs)
"Ayon sa konstitusyon para sa kinabukasan ng bayan dapat pinakamataas ang prayoridad natin sa paglalaan ng pondo sa sektor ng edukasyon," ani Kabataan Rep. Raoul Manuel, Biyernes.
"Hindi maaari na taon-taon na lang ay kinakaltasan ng budget ang ating State Universities and Colleges. Natutulak tuloy ang ating SUCs na magnegosyo at maningil ng dagdag bayarin para punan ang pondo. Ang 2.1 million na mga estudyante ang kawawa rito."
Sa kabila raw kasi ng net increase ng personal services sa 2024 proposed budget sa SUCs, meron pa ring cuts ang nabanggit sa 10 SUCs na nagkakahalaga ng P253.49 milyon.
Lumalabas din aniyang 36 SUCs ang tatamaan ng malalaking cuts sa capital outlay na nagkakahalaga ng P10.75 bilyon.
Inaasahan ng Department of Budget and Management ang nasa P47.94 bilyong internal income mula sa 116 SUCs sa bansa sa kabiila ng pagpasa ng Universal Access to Quality Teriary Education Law, kasama ang perang kinokolekta sa mga estudyante.
Nasa P18.83 bilyon dito ay kukunin mula sa tuition collection habang P7.18 bilyon ay manggagaling sa ibang income galing sa mga estudyante.
"[W]hat is needed is an overhaul of the curred nt system of education: a repeal of all existing education policies related to labor export, deregulation and commercialization, and establishment of a nationalist, scientific, and mass-oriented system of education," ayon sa resolusyon. — James Relativo
- Latest