MANILA, Philippines — Sa kabila ng pangamba sa volcanic smog mula Bulkang Taal, inilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na primaryang dulot ng "vehicular emissions" ang mababang visibility ngayon sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ng DENR-Environmental Management Bureau ngayong Biyernes kasabay ng peligro ng "vog" sa Batangas at mga kalapit nitong lugar. Aniya, acidic ito at maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, lamamunan at respiratory tract.
Related Stories
"Real-time air quality measurements indicate heightened alert in some parts of Metro Manila, due primarily attributed to emissions from heavy vehicular traffic, especially during rush hour," paliwanag ng DENR-EMB.
"Air quality varies in time and places and change anytime depending on pollution sources and meteorological factors. DENR-EMB will continue to monitor air quality."
Una nang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa ilang bahagi ng Maynila, Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City at San Juan City dahil sa banta ng vog.
Bukod pa rito, wala ring klase sa ilang bahagi ng Batangas, Cavite at Laguna — bagay na malapit-lapit mismo sa Taal Volcano.
Lumalabas na "acutely unhealthy" sa ngayon ang air quality index na ipinakikita sa violet box sa Parañaque City sa 217, bagay na lagpas-lagpas sa guideline value na 35 ug//Ncm.
"[This is while] Stations shown in Orange boxes located in Makati and Pateros with Air Quality Index of 128 and 141 (unhealthy) respectively which is above the guideline value of 35 ug/Ncm," dagdag pa ng DENR-EMB.
Kanina lang nang sabihin ng Office of Civil Defense na ang inaakalang "vog" sa Metro Manila ay posibleng dahil sa natural phenomenon na "temperature inversion" habang papalayo naman daw sa rehiyon ang direksyon ng hangin.
Huwebes lang nang ibalita ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tuy, Batangas na isinugod sa ospital ang ilang estudyante matapos mahirapang huminga buhat ng vog.