MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Justice ang paghahain ng kaso laban sa China kaugnay ng pagkasira ng corals sa bahagi ng West Philippine Sea na sakop ng ‘exclusive economic zone.(EEZ)’ ng Pilipinas.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na idudulog niya ito kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa madaling panahon makaraan na iulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command ang pagkakatuklas sa mga nawawalang corals sa Rozul Reef matapos na umalis ang Chinese militia vessels.
“We are recommending the filing of such cases against the perpetrators of this evil act, which is the destruction of the environment,” ayon kay Remulla.
“We believe it can be done. We will pursue these cases against China because it’s no longer acceptable. We have a lot of evidence,” dagdag niya.
Kahit na walang agawan sa teritoryo, isa pa rin umanong ‘sin against humanity’ ang pagsira sa kalikasan.
Tatapikin ng pamahalaan ang pinakamatitinik na emvironmental lawyers para sa potensyal na legal na aksyon.