MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga manggagawang Pinoy sa kanyang business sidelines sa 10th Asia Summit.
Ibinida ni Marcos ang kasanayan ng mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang trabaho sa roundtable meeting kasama ang business leaders.
Giit ng Pangulo, ang mga Pinoy ay nagpapakita kung gaano ka-talentado kabilang na ang mga nasa kategoryang skilled workers at maging sa hanay na tinatawag na professional workforce.
Tulad na lamang umano sa Singapore na maraming mga Pinoy ang kabilang sa financial sector na tagumpay na rin sa kanilang karera sa naturang bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pagmamalaki sa harap ng patuloy nitong panghihikayat sa mga business leaders sa Singapore na mamuhunan dito sa bansa bilang bahagi ng kanyang working visa.
“The Philippines’ start-up ecosystem also poses great potential with our young and competent talent who are – with strong government support and dedicated start-up community. I invite you to look at the Philippines as your destination for your investment supporting a smart and innovative economy,” ayon pa kay Marcos.