^

Bansa

Manggagawang Pinoy ibinida ni Marcos Jr. sa 10th Asia Summit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manggagawang Pinoy ibinida ni Marcos Jr. sa 10th Asia Summit
President Marcos: Reliance on rice imports not a wise choice President Marcos delivers the keynote address at the 10th Asia Summit in Singapore on Wednesday. Hosted by the Milken Institute, the Asia Summit focuses on public health, environmentalism, economic policy and globalization. Marcos is the first Philippine president to address the summit.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang mga manggagawang Pinoy sa kanyang business sidelines sa 10th Asia Summit.

Ibinida ni Marcos ang kasanayan ng mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang trabaho sa roundtable meeting kasama ang business leaders.

Giit ng Pangulo, ang mga Pinoy ay nagpapakita kung gaano ka-talentado kabilang na ang mga nasa kategoryang skilled workers at maging sa hanay na tinatawag na professional workforce.

Tulad na lamang umano sa Singapore na mara­ming mga Pinoy ang kabilang sa financial sector na tagumpay na rin sa kanilang karera sa naturang bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pagmamalaki sa harap ng patuloy nitong panghihikayat sa mga business leaders sa Singapore na mamuhunan dito sa bansa bilang bahagi ng kanyang working visa.

“The Philippines’ start-up ecosystem also poses great potential with our young and competent talent who are – with strong government support and dedicated start-up community. I invite you to look at the Philippines as your destination for your investment supporting a smart and innovative economy,” ayon pa kay Marcos.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with