^

Bansa

LISTAHAN: Mga kalsadang isasara para sa 2023 Bar Exams

Philstar.com
LISTAHAN: Mga kalsadang isasara para sa 2023 Bar Exams
Members of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and Manila Police District (MPD) check the Bar examinees arriving near the De La Salle University campus along Taft Avenue and the San Beda College in Mendiola, Manila on the first day of their exam on November 9, 2022.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ilang kalsada ang nakatakdang magsara upang magbigay daan sa darating na 2023 Bar Exams sa ika-17, ika-20, at ika-24 ng Setyembre — dahilan para maagang mag-abiso sa publiko ang Korte Suprema.

Base sa advisory mula sa Philippine Supreme Court Public Information Office, Biyernes, sinabing nakipagtulungan na ito sa mga lokal na pamahalaan upang isara ang ilang kalsadang malapit sa mga local testing centers na magdaraos ng pagsusulit.

Ito ang mga binanggit na kalsadang magsasara:

Maynila

  • Mendiola Street (parehong lanes mula 2 a.m. hanggang 7 P.M.) 
  • Concepcion Aguila Street (parehong lanes sa parehong oras, pero pahihintulutan ang mga mag-e-exam na sakay ng kotse) 
  • Legarda Street (dalawang lanes mula San Rafael Street hanggang Mendiola Street sa parehong oras)
  • Dapitan Street (mula Lacson Avenue hanggang P. Noval Street mula 3:30 a.m. hanggang 9 a.m. at 3:30 p.m. hanggang 7 p.m.)
  • bahagi ng España Boulevard (mula Lacson Avenue hanggang P. Noval Street mula 3:30 a.m. hanggang 9 a.m. at 3:30 p.m. hanggang 7 p.m.)

Muntinlupa City

  • Don Manolo Boulevard (authorized personnel, Bar Examiness, at residente ng Alabang Hills Village mula 3:30 a.m. hanggang 8 a.m. ang maaaring dumaan)
  • Alabang-Zapote Road service road (secondary/inner road mula Market Street hanggang Don Manolo Blvd. sarado mula 3:30 a.m. hanggang 8 p.m.)

Quezon City

  • Katipunan Avenue (entrance ng UP Diliman sarado)

Pasay City

  • San Juan Street (mula Donada Street hanggang Leveriza Street sarado mula 3 a.m. hanggang 8 p.m.)

Taguig

  • University Parkway Drive (University of the Philippines - BGC sarado sa lahat mula 3 a.m. hanggang 7 p.m.)

Naga City, Camarines Sur

  • J. Hernandez Avenue at P. Burgos Street (malapit sa University of Nueva Caceres, sarado mula 12:01 a.m. hanggang 7 p.m.)

Cebu City

  • Pelaez Street (malapit sa University of San Carlos, mula corner Colon Street hanggang corner P. Del Rosario Street) at Sanciangko Street (mula corner Junquera Street hanggang corner Osmeña Boulevard) sarado mula 2 a.m. hanggang 7 p.m.

Tacloban City, Leyte

  • Calanipawan Road (malapit sa Dr. V. Orestes Romualdez Education Foundation, sarado mula 1 p.m. hanggang 7 p.m. sa September 24)

Cagayan de Oro City

  • Hayes Street (malapit sa Xavier University, sarado mula 5 p.m. bago ang kada Bar day hanggang 6 p.m. nito)

Wala naman idineklarang pagsasara ng kalsada sa labas ng University of the Philippines Diliman, binanggit naman na sa University Avenue papasok ang mga examinees habang sarado ang entrance ng unibersidad sa Katipunan Avenue.

Maaalalang unang inanunsyo ng Supreme court na magkakaroon ng 14 na testing centers para sa Board Exam sa taong ito. Ito ang sumusunod:

  • San Beda University – Manila
  • University of Santo Tomas
  • San Beda College – Alabang
  • University of the Philippines Diliman
  • Manila Adventist College
  • University of the Philippines Bonifacio Global City
  • Saint Louis University
  • Cagayan State University
  • University of Nueva Caceres
  • University of San Jose – Recoletos
  • University of San Carlos
  • Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation
  • Ateneo de Davao University
  • Xavier University (Cagayan de Oro City)

Nag-abiso rin ang Supreme Court na maging alerto rin sa daloy ng trapiko sa iba pang mga kalsada na malapit sa mga testing centers. — intern Matthew Gabriel

2023 BAR EXAMS

BAR EXAMS

LAW STUDENTS

LAWYERS

ROAD CLOSURES

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with