^

Bansa

30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara
Students of Aurora Aquino Elementary School in Malate, Manila actively participate during their first day of classes on August 29, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Suportado sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin na lamang itong 11 mula sa kasalukuyang 56.

“This is a timely intervention that will help ensure our teachers’ well-being,” sabi ni Nograles. “Natutuwa tayo na masigasig ang DepEd sa paghahanap ng paraan upang maibsan ang pasang responsibilidad ng ating mga guro. Mainam itong balita lalo pa’t ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month ngayong buwan.”

Pinapurihan din ng solon ang paglulunsad ng DepEd ng isang website kung saan makahihingi ng legal na tulong ang mga guro kaugnay ng kanilang mga pagkakautang.

“Our teachers often fall victims to loan sharks due to circumstance, that is why we need provide them with financial education, legal assistance, and other ways for them to break from the cycle of debt and poverty,” sabi pa ni Nograles.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with