^

Bansa

‘State actor’ nasa likod ng disinformation sa West Philippine Sea - Philippine Coast Guard

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�State actor� nasa likod ng disinformation sa West Philippine Sea - Philippine Coast Guard
More than 50 Chinese vessels swarm the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the West Philippine Sea, July 7.
AFP Wescom

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Philippine Coast Guard (PCG) na hindi mangyayari ang paglaganap ng disinformation ng China sa West Philippine Sea kung walang ‘state actor’ na sumusuporta rito.

Matatandaang sinabi ni Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela na may mangilan-ngilang Pilipino na sumusuporta at dumidepensa sa pagiging agresibo ng China sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security tungkol sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS), kinwestyon ni Sen. Risa Hontiveros si Tarriela kung saan galing ang intelligence na mayroong ilang Pilipino na nagtataksil sa bansa at kung may mga senyales na ang disinformation campaign ay state-sponsored ng China.

Tugon ni Tarriela, ang mga impormasyon tungkol dito ay nakuha lamang niya sa mga kaibigan sa media na nakatanggap ng mga emails na naglalaman ng mga impormasyon na nais na ibaling ang atensyon at focus ng mga Pilipino sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga agresibong aksyon ng China.

Idinagdag pa ng opisyal na, base pa sa kanyang personal na pagkakaunawa, ang mga ganitong uri ng pagkakalat ng maling impormasyon ay hindi mangyayari kung walang ‘state actor’ na nasa likod nito.

Diretsahan namang tinanong ni National Defense Committee Chairman Senator Jinggoy Estrada si Tarriela kung may kilala ba siyang Pinoy na kumakampi sa mga aksyon ng China subalit sagot ng Commodore ay wala at siya ay sumasagot lamang sa ilang mga komento na kanyang natatanggap.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with