^

Bansa

Pamimigay ng fuel subsidy, aarangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pamimigay ng fuel subsidy, aarangkada na
On the second day of the weeklong jeepney strike, fewer jeepneys operate along the streets of Manila on March 7, 2023.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan ng pamahalaan ngayong linggong ito ang pamamahagi ng fuel subsidies para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na apektado ng serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakalipas na siyam na linggo.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, target nilang masimulan ang distribusyon ng P3 bilyong fuel subsidy para sa 1.36 milyong PUV drivers sa bansa sa susunod na dalawang araw.

Tiniyak ni Bautista na pinakamatagal na ang Setyembre 15, Bi­yernes, upang masimulan ang naturang distribusyon.

Ipapamahagi ang subsidiya sa may 6,000 Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ) ope­rators; 150,000 public uti­lity jeepney (PUJ) dri­vers at operators; 500 Modernized Utility Vehicle Express (MUVE) operators; 20,000 utility van express operators; 930,000 tricycle drivers at operators; 150,000 food delivery riders; at iba pa.

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang drivers ng MPUJ at MUVE ay tatanggap ng tig-P10,000 habang tig-P6,500 sa mga tsuper ng mga tradisyunal na PUJ at UVE, gayundin ng mga Public Utility Buses (PUB), mini buses, taxi, Shuttle Services Taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), Tourist Transport Services, School Transport Services at Filcabs.

Ang mga tricycle dri­vers ay tatanggap din ng tig-P1,000 habang ang mga driver ng delivery services ay tig-P1,200.

FUEL

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with