^

Bansa

DA: Presyo ng bigas, magiging matatag na ngayong anihan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DA: Presyo ng bigas, magiging matatag na ngayong anihan
Retail store attendant arrange sacks of rice at storage in Marikina city (September 21, 2022).
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag na ang presyo ng bigas at palay sa pagsisimula ng anihan sa bansa ngayong Setyembre at Oktubre.

Nabatid na target ng pamahalaan na magkaroon ng inisyal na hanggang limang milyong metriko toneladang (MMT) ani ng palay sa mga nasabing buwan.

Base sa pagtaya ng Philippine Rice Information System (PRiSM) hanggang noong Agosto 14, inaasahang aabot sa 2 MMT ang inisyal na ani ng palay sa katapusan ng buwang ito.

Ang karamihan o bulto ng ani ay inaasahang magmumula sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Iloilo, Nueva Ecija, North Cotabato, Leyte, Oriental Mindoro, Camarines Sur, Palawan, Bukidnon, Zamboanga del Sur, at Davao del Norte.

Samantala, nasa hanggang 3 MMT naman ang aanihing palay sa susunod na buwan, na inaasahang manggagaling sa Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Isabela, Occidental Mindoro, Cagayan, Oriental Mindoro, Palawan, Bulacan, Iloilo, Bukidnon, Agusan del Sur, Ilocos Sur, Leyte, at Camarines Sur.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with