MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na extended ang validity o bisa ng mga lisensyang may expiration date mula April 3, 2023 hanggang April 1, 2024.
Binanggit sa isang abiso mula sa Facebook page ng LTO nitong Huwebes na dahil ito sa kakulangan sa supply ng plastic cards.
Related Stories
Extended tuloy ang validity ng mga nasabing lisensya hanggang April 2, 2024 o hanggang sa magkaroon nang sapat na supply ng plastic card.
“We have an automatic extension to those whose license expired from April 3, 2023 until April 1, 2024. It’s deemed extended automatically,” sabi ni LTO head Vigor Mendoza II sa panayam sa Rappler.
“No need to go to the LTO. No need to pay anything.”
Sinabi rin na walang multang ipapataw sa paggamit ng mga nasabing lisensya.
Maaari rin daw gamitin na pansamantalang lisenya ang resibong matatanggap kung sakaling magrerenew nito.
Kailangan lamang daw itong matatakan ng "Valid as Temporary Driver's License Until Plastic Card is Released" at makita ang mga sumusunod:
- Pangalan ng Issuing Office, Contact Personnel/Cellphone No./email address;
- Pangalan at pirma ng releasing officer; at
- Screenshot ng driver's license card (harap at likod) ng kliyente na nakaprint sa likod ng resibo.
Maaalalang naging mainit na usapin nitong April ang nabalitang paubos na supply ng plastic cards ng LTO at ang panukalang paggamit ng mga temporary liscense na naka-print lamang sa papel.
Bilang tugon sa kontrobersyang binuo ng panukalang ito, nagkaroon na rin ng unang extension sa validity ng mga lisensya noong Abril, kung saan maaari pang gamitin ang mga lisensyang mapapaso ng ika-24 ng Abril 2023 hanggang ika-31 ng Oktubre 2023. — intern Matthew Gabriel