^

Bansa

65 petisyon, DQ complaints tinanggap ng Comelec

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
65 petisyon, DQ complaints tinanggap ng Comelec
Aspiring leaders file their certificates of candidacy (COCs) inside a mall in Manila on August 28, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi pa man nagtatagal makaraang magtapos ang pagsusumite ng certificate of candidacy (COCs), nakatanggap na agad ang Comelec ng 65 petisyon para kanselahin ang COC at disqualification complaints laban sa mga kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

“Inaasahan namin na tataas pa ‘yan kasi ‘yung mga nag-file nung Lunes lamang ng candidacy ay meron pang limang araw pagkatapos mag-file ng COC para masampahan ng mga naturang kaso,” ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco.

Ngunit wala pa namang natatanggap na petisyon para ideklara ang isang kandidato na nuisance candidate, saad pa ni Laudiangco.

Isasailalim naman ng Comelec sa masusing pag-aaral ang mga petisyon at reklamo na dumarating sa kanila upang mabigyan ng kaukulang aksyon bago sumapit ang halalan.

Inaasikaso na rin ng Comelec ang konsolidasyon ng pinal na numero ng mga kandidato para sa BSKE na nakatakdang isagawa sa Setyembre 19.

Sa datos ng Comelec, tumanggap sila ng kabuuang 1,414,487 COC mula sa 82 probinsya sa bansa.

Sa naturang bilang, nasa 96,962 ang tatakbo bilang Punong Barangay; 731,682 sa Sangguniang Barangay; 92,774 para sa SK, at 493,069 para SK members.

vuukle comment

BSKE

COC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with