“Fresh from the Oven” Julie’s, naglabas ng bagong video sa kanilang YouTube Channel

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Ju­lie’s, na pinakamalaking neighborhood bakeshop chain na itinatag noong 1981 sa Mandaue, Cebu, na naglabas sila ng isang bagong video sa kanilang YouTube channel.

“Check out the Fresh Test with Kim Chiu!” anunsiyo pa ng Julie’s.

Nabatid na ito ay isang maikli ngunit catchy na video na nagpapakita kung gaano kalambot at kasarap ang mga tinapay na gawa ng Julie’s. Dahil fresh na fresh sa bawat kagat, tiyak na makukuntento ang sinumang kakain ng mga tinapay na produkto ng Julie’s.

Ipinakikita rin sa video kung gaano ka­lambot at kasarap ang mga tinapay ng Julie’s upang ipaalala sa mga kostumer na ang mga produkto ng naturang bakeshop ay laging bagong luto at fluffy sa lahat ng pagkakataon.

“At Julie’s, we have always made sure to make customers satisfied and one of the things they look for is the freshness of breads they buy. Every day, our Julie’s bakers rise early to craft these delectable treats from scratch, ensuring that they reach customers’ hands at the peak of freshness. Anyone who shows up at Julie’s is treated to fluffy, freshly baked bread every time,” ayon kay Marc San Juan, na siyang Marketing Director ng Julie’s.

Sinabi ni San Juan na upang ipakita ang kanilang pagiging loyal sa kanilang mga kostumer ay tinitiyak nilang sa bawat kagat ay satisfied ang mga ito sa kanilang mga produkto. Patuloy rin a­niya silang naghahatid ng mga delicious offerings sa mga bagong kostumer upang maibahagi ang kanilang commitment to excellence sa mas malawak na audience. Para sa ka­ragdagang impormasyon hinggil sa Julie’s, maaa­ring bisitahin ang www.juliesbakeshop.com.ph at maging bahagi ng kanilang komunidad, sa pamamagitan nang pag-like ng kanilang page sa www.facebook.com/JuliesBakeshop. Huwag rin anilang kalimutang gamitin ang hashtag na #BastaJuliesFreshYan! sa inyong mga social media posts.

Show comments