Sahod ng PhilHealth execs triple noong 2021
MANILA, Philippines — Inamin ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa House Committee on Appropriations na naging triple ang suweldo ng kanilang mga top executives noong 2021.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Israel Francis Pargas, naging triple ang suweldo ng kanilang mga executives matapos magpalabas ng Executive Order (EO) ang Malacañang sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ni Pargas ang paliwanag matapos kuwestiyunin sa Kamara ang hinggil sa pagpuna ng Commission on Audit (COA) sa nasabing sobra-sobrang umento sa suweldo at benepisyo ng mga opisyal ng PhilHealth.
Sa taunang report ng COA na ipinalabas nitong nakalipas na buwan, ang mga Management Personnel ng PhilHealth mula sa P71.45 milyong pondo noong 2022 ay natriple ito sa P26.2 milyon noong 2021.
Kinuwestiyon ng komite kung ano ang basehan ng pagtaas ng suweldo ng mga top executives.
Ibinuking naman ni Pargas na hindi lamang mga top executives ng PhilHealth ang natriple ang suweldo kundi maging ang iba pang Government-Owned and Controlled Corporations.
- Latest