$22 milyong investment package nasungkit ni Marcos sa Indonesia
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa $22 milyon investment pledges ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Jakarta, Indonesia.
Ito ay matapos na makipagpulong sa mga negosyante sa Indonesia si Marcos at nangako na palalawakin nila ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.
Kabilang dito ang mga kumpanyang may kinalaman sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity at nakausap din ni Marcos ang mga top executives ng kompanyang PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT WIR Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN).
Sinabi ni PT Vaksindo Satwa Nusantara, na makikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa kanilang local partner na Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines para sa veterinary vaccines kung saan nasa US$2 million investments ang ilalagak ngayong taon.
Target din ng kompanya na makagawa ng avian influenza vaccine sa Pilipinas.
Bukod dito nakausap din ni Marcos ang mga opisyal ng PT WIR Asia Tbk na maglalagak ng US$20 milyong investment.
Nabatid na ang WIR ay isang kompanya sa Indonesia na nagdi-develop ng augmented reality (AR) technology integrated with virtual reality (VR) at artificial intelligence (AI).
Ikinokonsidera itong unang Metaverse company sa Indonesia.
- Latest