^

Bansa

NBI: SIM card 'kayang irehistro' kahit unggoy ang nasa ID matapos i-test

James Relativo - Philstar.com
NBI: SIM card 'kayang irehistro' kahit unggoy ang nasa ID matapos i-test
This photo shows a screencap of the Senate public services committee's livestream of its hearing where the NBI showed IDs with fake animal photos.
Senate livestream

MANILA, Philippines — Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kayang lumusot sa "SIM card registration" ang ilang kahina-hinalang identification cards — ito'y matapos mapag-alamang pwedeng makapagrehistro rito kahit hayop ang nasa litrato ng ID.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang SIM Card Registration Law (Republic Act 11934) sa pag-asang masasawata nito ang text scams, spams atbp. krimen na ginagamitan ng subscriber identity module (SIM) cards.

"We entered the face of an animal and different names. Natanggap pa rin," banggit ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc nitong Martes ng gabi sa pagdinig ng Senado.

Aniya, sinubukan nilang i-testing ito gamit ang iba't ibang telecommunications company noong Lunes nang gabi bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Dagdag ni Lotoc, madali na ngayong gumawa ng government IDs online at magpatong lang basta ng litrato sa ibabaw nito.

Kamakailan lang nang manawagan si Sen. Grace Poe ng pormal na inquiry, in aid of legislation, sa Senado dahil tuloy-tuloy pa ring text scams sa kabila ng pagsasabatas ng R.A. 11934.

"If you're with the telcos and you see the application form of that monkey smiling at you, what the heck are you doing?" tanong ni Sen. Joel Villanueva.

"It’s common sense na hindi dapat pagbigyan ‘to dahil hindi natin mahuhuli yong mga gumagawa ng kalokohan dito."

Imunungkahi naman ni Ariel Tubayan, head ng policy division ng Globe Telecom, na makapagpatupad ng "fully implemented" national ID system bagay na may biometrics para maiwasan ang nabanggit.

"That’s the best practice and all countries that have implemented SIM registration — they have slotted first the national ID before they went into SIM registration," ani Tubayan.

Iginiit naman ng DITO na hindi makakalusot sa kanilang sistema ng SIM registration ang mga ID na may litrato ng hayop.

Iimbestigahan naman daw nina Roy Ibay, head ng regulatory affairs ng Smart Communication, ang mga kahalintulad na kaso.

Paliwanag niya, maaaring nagkaroon ng glitches sa optical character recognition technology na ginamit sa kanilang portals. Aniya, minadali ito upang makaabot sa headline ng SIM registration deadline.

"All of us here are playing catchup with technology so the blame is not all lodged in one particular group," wika ni Poe.

"But, of course, we have to keep updating, and it’s frustrating, it’s adding insult to injury kung nakita mong nakangiti ‘yong monkey."

Inatasan naman ni Poe ang National Telecommunications Commission na agad makipagtuluungan sa kanila para amyendahan ang implementing rules and regulations ng batas kaugnay nito.

Susunod naman daw sina NTC Coommmissioner Ella Lopez habang tinutugunan ang mga isyu sa pagbubuo ng "post-registration validation mechanism" na lulutas sa maanomalyang rehistro.

Umabot na sa 118.9 milyong SIM cards na ang naiparehistro noong ika-3 ng Setyembre. Umabot naman na sa 45,697 ang reklamong natatanggap nila sa ngayon pagdating sa mga scam.

GRACE POE

JOEL VILLANUEVA

SIM CARD REGISTRATION LAW

TEXT SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with