^

Bansa

LPA, ganap nang bagyong Ineng

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LPA, ganap nang bagyong Ineng
Sa monitoring ng PAGASA, alas-11 ng umaga ang sentro ng bagyong I­neng ay namataan sa layong 975 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at may pagbugso na 55 kph.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Isa nang bagyo na may pangalang Ineng ang isang low pressure area na namataan noong lunes.

Si bagyong Ineng ay nanatili sa kanyang lakas habang kumikilos pakanluran.

Sa monitoring ng PAGASA, alas-11 ng umaga ang sentro ng bagyong I­neng ay namataan sa layong 975 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at may pagbugso na 55 kph.

Ang Tropical Depression Ineng ay walang direktahang epekto sa bansa pero ito ang nagpapalakas sa habagat kayat maulan sa buong western portions ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Ngayong Miyerkules ng gabi, inaasahang hihina ang habagat at mahangin na minsa’y may pag-ulan na mararanasan sa Batanes, Ilocos Pro­vinces, western portion ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Kalayaan Islands, Lubang Island at Romblon.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with