Taga-Las Piñas solong tinamaan P111.03-M lotto jackpot prize

Stock photo of a lotto outlet.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Swerteng napalanunan ng nag-iisang mananaya mula sa National Capital Region (NCR) ang higit daang milyong halaga ng papremyo ng Grand Lotto 6/55 nitong Lunes.

Tinamaan kasi ng naturang manunugal ang sumusunod na winning combination na siyang binola ng Philippine Charity Sweepstakes kahapon: 55-50-06-45-12-40.

"One (1) Winning Ticket was bought in BFRV, Las Pinas, City, Metro Manila," wika ng PCSO sa isang paskil sa Facebook ngayong Martes tungkol sa nagwagi ng P111.03 milyong jackpot.

 

 

Samantala, wala namang pinalad na makuha ang P8.91 milyong jackpot ng Megalotto 6/45 kahapon.

Bagama't milyun-milyon ang makukuha ng lucky winner kahapon, hindi niya makukuha nang buong-buo ang P111,039,686.00 dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

"Prizes above P10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN Law," paliwanag pa ng PCSO kanina.

"All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund." — James Relativo

Show comments