MANILA, Philippines — Lalong bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong Agosto, bagay na idinidikit ngayon ng Philippine Statistics Authority sa pagsirit ng presyo ng "heavily-weighted food" at "non-alcoholic beverages."
Nangyayari ito habang napupuna ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado, bagay na ipinangako noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibababa sa P20 kada kilo.
Related Stories
"The Philippines’ headline inflation or overall inflation increased to 5.3% in August 2023 from 4.7% in July 2023," wika ng PSA ngayong Martes ng umaga.
"This brings the national average inflation from January to August 2023 to 6.6%. In August 2022, inflation rate was higher at 6.3%."
Bukod sa mas mataas na year-on-year increase sa pagkain at hindi nakalalasing na inumin a 8.1%, nakita rin ang pagtaas na 0.2% sa transportasyon mula sa annual decline na -4.7% noong Hulyo 2023.
Nangyari ang pagtaas na ito sa transportasyon kasabay ng pagtataas ng pamasahe sa LRT-1 at LRT-2 simula ika-2 ng Agosto.
"Food inflation at the national level rose to 8.2% in August 2023 from 6.3% in July 2023. In August 2022, food inflation was lower at 6.5%," dagdag pa ng PSA.
"Food shared 53.9% or 2.9 percentage points to the overall inflation in August 2023."
Ang mga sumusunod ang may pinakamalaking ambag sa food inflation sa naturang buwan:
- cereals at cereal produces gaya ng bigas, mais, harina, tinapay atbp. produktong panaderya (35% share)
- gulay, tubers, saba, atbp. (30.6% share)
- isda atbp. lamang dagat (13.4% share)
Ika-31 lang ng Agosto nang aprubahan ni Bongbong, na tumatayo ring kalihim ng Department of Agriculture, ang pagpapatupad ng hangganan sa presyo ng bigas sa buong bansa para matiyak na abot-kaya ito sa pamilyang Pilipino.
Sa ilalim ng Executive Order 39 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inuutos na hindi pwedeng lumagpas ang presyo ng regular milled rice sa P41 kada kilo. Iniutos naman ang price cap na P45 kada kilo sa well-milled rice.