^

Bansa

20 porsyento discount sa pasahe ng estudyante, epektibo pa rin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
20 porsyento discount sa pasahe ng estudyante, epektibo pa rin
Elementary and high school students leave their respective schools in Manila after the city government suspended classes in all levels on September 4, 2023.
Edd Gumban/The Philippine STAR

Kahit walang pasok

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy pa ring umiiral ang 20% discount sa pasahe para sa mga estudyante kahit walang pasok.

Sinabi ng DOTr na dapat pagkalooban ng 20% discount ang mga estudyanteng sasakay sa mga pampublikong sasakyan, maging weekend man, holiday, summer o semestral break.

“Basta may student ID, dapat may discount,” ayon pa sa DOTr.

Binalaan din ng DOTr ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) na ang mga hindi magkakaloob ng discount ay mahaharap sa kaukulang parusa.

Ang unang paglabag dito ay may katumbas na multang P5,000, sa ikalawa ay P10,000 at pagkaka-impound ng sasakyan habang sa ikatlo ay P15,000 at kanselasyon ng prangkisa.

Hinikayat din naman ng DOTr ang publiko na kaagad na itawag o i-report sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung may nalalaman silang lumalabag sa Student Fare Discount Act o Republic Act 11314 upang kaagad itong maaksiyunan.

STUDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with