MANILA, Philippines — Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon, kasunod na rin ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.
Ayon sa PAGASA, hanggang alas-6 ng umaga kahapon, may isang gate na bukas ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan habang limang gate naman ang bukas sa Ambuklao at anim sa Binga Dam na kapwa na Benguet.
Samantala, tumaas rin naman ang water level ng iba pang dam nitong Linggo dahil pa rin sa patuloy na manaka-nakang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.
Kabilang dito ang Angat, San Roque, Pantabangan at Magat Dam.
Bahagya namang nabawasan ang water level sa iba pang Luzon dams kahapon, kabilang ang La Mesa at Caliraya.